-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga kasapi ng Bagabag Police Station sa Nueva Vizcaya ang tatlong kalalakihan matapos maharap sa kasong rape.

Ang mga akusado ay kasama sa top most wanted Person ng Nueva Vizcaya .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang mga inaresto ay sina Jayson, 20 anyos, binata, laborer ; James, 18 anyos, mag-aaral at Rogie , 18 anyos, mag-aaral na pawang residente ng Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ang warrant of arrest o ay inilabas ni Judge Cicero Jandoc ng RTC Branch 29 Bayombong Nueva Vizcaya sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa sa mga akusado na kabilang sa number 6, number 7 at number 8 most wanted person sa Nueva Vizcaya.

Nasa pangangalaga na ng Bagabag Police Station ang mga akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.