TACLOBAN CITY – Balik normal na ang sitwasyon sa public market sa Lavezares, Northern Samar matapos patumbahin ng nagdaang buhawi ang lugar at ilang kabahayan.

Ayon kay Bejoy Cadampog ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tatlong coastal barangay ang naapektuhan ng ilang minuto na pananalasa ng ipo-ipo.

Kabilang sa mga ito ang Brgy. Libas, Cataogan at San Miguel.

Damay sa sinalanta ang 11 bahay at isang palengke na pawang gawa sa mga light materials.

Ani Cadampog isang malakas na ulan ang bumuhos sa kanilang lugar bago nagkaroon ng buhawi

Agad namang lumakad ang mga otoridad para sa cleaning operation matapos ang pananalasa ng hangin.

Nakauwi na rin ang ilang residente na naapektuhan nito.