NAGA CITY – Matapos ipasailalim sa rapid testing ang halos nasa 27 barangay kapitan sa lungsod ng Naga, isa umano sa mga ito ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Kapitan Dodit Beltran, Presidente ng Liga ng mga barangay sa Naga City sinabi nito na kasalukuyan ng naka-isolate ang nasabing kapitan habang hinihintay pa ang resulta sa isinagawang swab testing dito.
Ayon kay Beltran, wala pa umanong pagpayag mula sa naturang kapitan na ibunyag ang pagkakakilanlan nito.
Ngunit habang hinihintay ang resulta sa nasabing test dito ay nagsasagawa na umano ng contact tracing sa barangay na nasasakupan nito at sa mga posibleng nakasalamuha nito.
Nabatid na isinagawa ang naturang test sa mga barangay official dahil tatlo nalamang umano sa lungsod ang nananatiling covid-free na barangay.
Kung maalala, una ng nag positibo sa covid ang barangay kapitan ng Brgy. Del Rosario Naga City na kinilalang si Kapitan Jose “Bong” Peñas III, 57-anyos.