-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng tatlong bagong kaso ng COVID-19 omicron BA.5 subvariant na nadetect sa Pilipinas base sa latest genome sequencing ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, pumalo na sa 5 ang kabuuang kaso ng naturang subvariant sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dalawa sa mga pasyente na positibo sa BA.5 ay mula sa Calabarzon habang ang dalawang iba pa ay kasalukuyan pang beniberipika.

Ang pasyente na mula sa Calabarzon ay hindi pa bakunado habang ang isa naman na hidi pa natutukoy ang lokasyon ay vaccinated na habang ang isang kaso naman ay kasalukuyang beniberipika ang vacciantion status.

Bagamat ayon kay Vergeire, nakarekober na mula sa nasabing sakit ang lahat ng pasyente subalit patuloy na inaalam ang mga sintomas ng mga ito na kanilang naramdaman gayundin ang kanilang naging close contacts.

Bukod sa BA.5 subvariant, nadagdagan din ng pitong bagong kaso ng BA.2.12.1 mula sa resukta ng latest genome sequencing run kung saan nasa 190 samples ang sinuri noong June 6.