-- Advertisements --

NAGA CITY – Arestado ang tatlong indibidwal dahil sa iligal na pagpuputol ng kahoy sa Calauag, Quezon.

Kinilala an mga suspek na sina Dennis Tañola, 46; Alvin Cañisares, 27; at Lester Itable, 26-anyos, na pawang mga residente ng Barangay Anonangin, Gumaca, Quezon

Ayon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nagsagawa ng operasyon laban sa illegal logging ang DENR CENRO Calauag, kung saan nahuli sa akto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 96 piraso ng nilagaring lumber na nagkakahalaga ng P62,549.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.