-- Advertisements --

Patay ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na maiwan sa nasusunog na bahay nila sa lungsod ng Las Pinas kagabi.

Limang magkakatabing bahay ang nasunog sa Lopez Compound na halos 2 oras bago tuluyang maapula.

Sa inisyal na imbestigasyon sinasabing galing sa naiwang nakasindi na kandila ang sanhi ng nasabing malaking sunog.

Nakita na lamang ang bangkay ng biktimang si Steven Telmo ng nagsasagawa na ng clearing operations ang mga Bureau of Fire Protection (BFP).

Nasa mahigit P200,000 halaga ng ari-arian ang halaga ng nasabing nasunog.