Nahaharap sa patong-patong na kaso ang tatlong pulis na tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Antipolo-Philippine National Police (PNP) na naaresto ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) sa isang entrapment operation.

Ayon kay CITF chief Pol. S/Supt. Jose Chiquito Malayo, kasong illegal possession of firearms, paglabag sa Anti Graft Law, at Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employees, at possession of illegal drugs ang kinakaharap ng tatlong pulis.

Kinilala ni Malayo ang tatlong pulis na sinampahan ng kaso na sina PO2 Randolf Openiano, PO2 Edwin Fernandez, at PO1 Alejo De Guzman.

Ayon kay Pol. C/Insp. Jewel Nicanor, tagapagsalita ng CITF, pinalaya si SPO1 Ginnie San Antonio dahil hindi ito positibong kinilala ng complainant pagdating sa Kampo Crame.

Sa ngayon sinabi ni Nicanor na may tatlo pang kasamahan ang mga nahuling pulis na kanilang pinaghahanap.

Nag-ugat ang kaso ng mga ito nang hiningan ng P50,000 ang isa umanong drug suspect na kanilang naaresto sa anti-illegal drug operation.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here