-- Advertisements --

Nag-abiso na ang Manila Electric Company (Meralco) sa halos 4-milyong customer nito hinggil sa posibleng pagtagal pa ng nararanasang power interruption sa ilang lugar dulot ng bagyong Ulysses.

Sa isang panayam, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, na patuloy pa nilang inaalam ang lawak ng damage na idinulot ng bagyo.

Aminado ang opisyal na posibleng matagalan ang pagbabalik ng kanilang supply ng kuryente dahil sa malaking pinsala ng Typhoon Ulysses.

“Sa tingin ko matatagalan pa,” ani Zaldarriaga sa DZBB interview.

As of 8am, 2.954 million housheholds sa Meralco franchise area ay walang kuryente. Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna,…

Posted by Meralco on Wednesday, November 11, 2020

As of 5am, aabot sa 3.8-milyong customer ng Meralco ang apektado ng mga power lines at poster ng kuryente na pinatumba ng bagyo.

Hinimok ng Meralco ang mga customer na i-report ang insidente ng brownout sa kanilang mga lugar.

“Tulung-tulong tayo sa pag report ng brownouts at restoration updates. SEND your concerns to us via FACEBOOK MESSENGER or TWITTER so that we can respond as soon as we can,” batay sa online post ng kompanya.