-- Advertisements --

Umaabot sa 3.71 million Pilipino na edad 15 anyos pataas angwalang trabaho noong 2021 dahilan para pumalo sa 7.8% ang unemployment rate ayon sa Philippine Statistics Authority.

Base sa 2021 preliminary annual labor market statistics ng PSA, nasa 10.6% ang unemployment rate sa National Capital Region, 9.2% naman sa Region 4A, 8.2% sa Region 1 at 7.9% naman ang naitalang unemployment rate sa MIMAROPA.

Sa naturang datos, naitala ang pinakamataas na unemployment rate sa olongapo City na nasa 14.4% o 14.67 thousand unemployed persons mula sa 101.88 thousand persons sa labor force habang pumangalawa naman ang Camarines Norte sa may pinakamataas na jobless rate noong nakalipas na taon na nasa 14.1%.

Samantala, ang nakapagtala naman ng 92.2% employment rate noong nakalipas na taon o katumbas ng 43.9 mula sa 47.70 million Pilipino na mayroong trabaho.

Ang Surigao del Sur ang nakapagrehistro ng pinakamataas na employment rate na ansa 97.7%.

Nakapagtala din ng employment rates na mas mababa sa national estimate ang Zamboanga Peninsula (96%); MIMAROPA (92.1%); Region I (91.8%); Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (90.8%), Region IV-A (89.4%); atNCR (89.4%).

Mayroon namang tinatayang 7 million ang undeeremployed o 15.9% ng kabuuang employed persons noong nakalipas na taon.

Ang Agusan del Sur namana ang nakapagtala ng pinakamataas na underemployment rate na nasa 51.6% noong 2021 habang pinakamababang naitala na undermeployed ay sa Ilocos norte na nasa 2.9% lamang.