-- Advertisements --
Na-discharge na mula sa isolation matapos gumaling mula sa sakit ang pangalawang kaso ng monkeypox sa bansa.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang 34-anyos na Filipino ay “ganap nang gumaling” mula sa monkeypox at na-discharge mula sa isolation noong Agosto 31.
Ang labing walong pasyente na closed contact ay asymptomatic din para sa natitirang panahon ng kanilang quarantine.
Ang pangalawang kaso ng monkeypox ay nakumpirmang positibo noong Agosto 18. Ang pasyente ay naglakbay kamakailan sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Sa ngayon, nananatili sa 4 ang bilang ng mga impeksyon ng monkeypox sa Pilipinas.