-- Advertisements --

Naitala ngayong araw ang ikalawa sa highest single day tally ng mga bagong nadagdag na dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang 13,177 na karagdagang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

TAlly DOH

Dahil dito ang bilang ng mga dinapuan ng virus ay umakyat pa lalo 1,713,302.

Ngayong araw halos mag-100,000 na rin ang mga pasyente na nagpapagaling sa iba’t ibang dako ng bansa.

Ito ay dahil sa ang mga aktibong kaso ay nasa 96,395 na.

Katumbas ito sa 5.6 percent ng kabuuang kaso sa Pilipinas.

Samantala, mayroon namang naitalang maraming bagong gumaling din na aabot sa 4,322. Ang mga nakarekober sa sakit mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,587,069 na.

Subalit may apat na mga laboratoryo ang nabigong makapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Dumami naman ang mga naitalang bagong namatay dahil sa COVID-19 na nasa 299.

Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa kabuuang 29,838 na.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (96,395) ang aktibong kaso, 92.6% (1,587,069) na ang gumaling, at 1.74% (29,838) ang namatay,” bahagi pa rin ng DOH advisory. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 11, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 2.1% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”