-- Advertisements --

Nilinaw ng Malakanyang na ang pagbibigay ng pangalawang booster ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine sa mahigit 72.1 milyong indibidwal na ganap na nabakunahan ay hindi solusyon para matugunan ang pag-aaksaya ng mga bakuna.

Ito ang tugon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa pahayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pangalawang booster o ikaapat na dosis ng bakuna laban sa Covid-19 ay dapat lamang ibigay sa mga taong may edad 50 pataas, pati na rin ang mga 18 hanggang 49 taong gulang na may comorbidities.

Ang DOH, gayunpaman, ay magpapalakas ng kanilang “PinasLakas” Covid-19 vaccine drive para hikayatin ang mas maraming Pilipino na makatanggap ng unang booster.

Nabanggit din ni Cruz-Angeles na may patuloy na pag-aaral sa posibleng pagbibigay ng pangalawang booster shot sa iba pang priority group.

Sa kabila ng pag-aaksaya ng bakuna, tutol si Vergeire sa ideya ng pagbibigay ng pangalawang booster shot sa lahat ng ganap na nabakunahang indibidwal sa bansa.

Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Vergeire na wala pa ring “kumpleto at sapat na batayan” para mabigyan ng pangalawang booster ang mahigit 72.1 milyong indibidwal.