-- Advertisements --

Nabunyag sa isang inquiry ng joint House panels na aabot sa 2,000 reklamo ang inihain kaugnay sa mga hindi ibinigay na diskwento at mga benepisyo para sa senior citizens at persons with disability.

Sa naturang bilang, nasa 154 reklamo ang inihain sa National Council on Disability Affairs, habang ang nalalabi naman ay inihain sa National Commission for Senior Citizens.

Sinabi ni NCSC Chairman Franklin Quijano na nagkaroon ng grievance system upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kompaniya o establishimento na magpaliwanag, saguutin, tumalima at tugunan ang daing ng mga complainant.

Ilan nga sa mga inirereklamong establishimento na hindi nagbibigay ng mga diswento at benepisyo sa mga senior at PWDs ay restaurants at hotels.

Sa panig naman ng kinatawan ng Hotel and Restaurant Association of the Philippines, ilang establishimento ang nahihirapang iberipika ang identification cards ng PWD sa gitna ng umano;y paglaganap ng mga pekeng ID.