-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 291 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 523 na gumaling at 106 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang infected sa bansa, 0.3% (9,924) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,956) na ang gumaling at 1.79% (50,675) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat na mga laboratoryo ang hindi operational noong December 16, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng pitong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.