-- Advertisements --
image 465

Nananatiling lubog sa baha ang nasa 29 na barangay sa Calumpit, Bulacan ngayong araw ng Biyernes dahil sa matinding pag-ulan matapos ang pananalasa ng bagyong Egay sa probinsiya.

Kaugnay nito, patuloy ang pagkalap ng datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Offices (MSWDO) sa Calumpit, Bulacan sa naturang mga lugar para irekomenda sa Sangguniang Bayan ang posibleng deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan.

Sa inisyal na ulat mula sa MSWDO, nasa kabuuang 115 pamilya o 387 indibidwal ang pansamantalang inilikas sa mga evacuation center.

Ang 19 na inilikas na residente ay mula sa barangay Gatbuca, 11 pamilya mula sa Gugo, 3 pamilya mula sa Iba ‘O’ Este Northville, 15 mula sa Meysulao, 12 pamilya mula sa Piocruzcosa, 7 pmailya mula sa San Marcos, sa barangay San Miguel naman nasa 16 na pamilya ang inilikas, sa Sapang Bayan (22 families) habang nasa 10 pamilya naman ang inilikas mula sa barangay Sta Lucia.

Una ng nagpaalala ang Calumpit MDRRMO sa mga residente sa lugar na maging alerto dahil sa patuloy na pagpapakawala ng sobrang tubig sa Ipo dam at Bustos dam.