-- Advertisements --

Nailigtas ng Iranian coastguard ang 29 sa 30 crew members ng lumubog na cargo ship.

Ang UAE-flagged cargo ship ay pag-aari ng Al Salmy 6, Salem al Makrani Cargo Company ay patungo Iraqi port ng Umm Qasr.

Itinuturing na ang dahilan ng paglubog nito ay ang sama ng panahon.

Ang mga crews ay kinabibilangan ng mga Sudanese, Indian, Pakistani, Uganda, Tanzania at Ethiopia.

Gumamit ng dalawang rescue vessels at helicopters para tuluyang mailigtas ang nasabing mga biktima.