-- Advertisements --

Nakapagtala ang Departmetn of Health (DOH) ng 407 na panibagong tinaaman ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang ang 123 ay nagmula sa Metro Manila.

Dahil dito umaabot na ngayon sa 3,675,384 ang kabuuang dinapuan ng virus mula noong taong 2020.

Marami rin naman ang mga nakarekober na umaabot na sa 3,572,224.

Gayunman nasa 282 ang mga bagong nadagdaga na mga nasawi sa bansa.

Ang death toll ngayon bunsod pa rin ng deadly virus ay nasa 58,563 na.

Nasa pinakamababa na rin mula January 5, 2022 ang mga aktibong kaso na nasa 44,597.

Samantala umaabot na rin sa 65 million na mga Pilipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.