-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 28 ng mga Filipino na galing sa Israel dahil sa patuloy na kaguluhan.
Ayon sa Department of Migrant Workers na ito na ang pang-14 na batch na mga Filipino na napauwi.
Sinalubong sila ng mga opisyal ng DMW ang mga dumating na Filipino sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Mula noong Disyembre 19, 2023 ay may naitala ang DMW na 413 OFW ang nakauwi mula sa Israel.