-- Advertisements --
Hindi bababa sa 28 ang patay habang dose-dosena ang nananatiling na-trap sa underground matapos ang mangyaring explosion sa isang minahan sa Turkey.
Nasa 110 katao ang nasa loob ng minahan nang mangyari ang pagsabog.
Sinabi ng ministro ng kalusugan ng Turkey na si Fahrettin Koca na 11 katao ang nailigtas at ginagamot.
Nagpapatuloy naman ang mga emergency crew na hukayin ang mga bato at makita kung may mga survivor pa.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog.
Inaasahang bibisitahin ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang minahan.
Ang minahan ay kabilang sa Turkish Hard Coal Enterprises na pag-aari ng estado.