-- Advertisements --
cropped Marines

Inaasahang makukumpleto na ang bagong headquarters ng Philippine Marines na pinundohan ng P28Billion, sa huling bahagi ng 2024.

Ang nasabing headquarters ay itinatayo sa Morong Discovery park sa probinsya ng Bataan.

Ang nasabing headquarters ay direktang nakaharap sa West Philippine Sea, na siyang paglilipatan ng buong pwersa ng Phil Marine mula sa kasalukuyan nitong headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), inaasahang magkakaroon ang naturang headquarter ng mga makabagong pasilidad at kagamitan na magagamit ng mga sundalo sa kanilang mga operasyon, training, rescue operation sa panahon ng kalamidad, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Ang kampu ng naturang hukbo ay may kabuuang 100 ektarya na binubuo ng ibat ibang mga building, pasilidad, training facilities, at iba pang opisina na kasalukuyan na ring ginagawa.

Ang bagong headquarters ng naturang hukbo ay inaasahang mas akmang lokasyon para sa anumang mga emergency response na gagawin ng mga sundalo.

Mas mabilis din ang pagdedeploy ng mga tauhan nito, dahil mas limitado ang trapiko, hindi katulad ng kasalukuyan nitong kampo sa Metro Manila.

Ayon sa Bases Conversion and Development Authority, plano nilang buksan sa mas maraming economic activity ang mababakanteng kampo ng Phil marines sa Lungsod ng Taguig.