-- Advertisements --
Umakyat na sa 279 ang pasyenteng namatay dulot ng COVID-19 sa Quezon province.
Karagdagang apat na mga pasyente ang namatay nitong umaga base sa report ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Sa kasalukuyan, nananatiling nasa ilalim ito sa modified general community quarantine (MGCQ) status matapos makapagtala ang lugar ng 7,882 Covid cases at 7,167 recoveries.
Samantala, ang probinsiya naman ay nakapagtala ng 436 active COVID-19 cases.
Naniniwala naman si Integrated Provincial Health Office (IPHO) head Dr. Grace Santiago na ang biglang pagsirit ng kaso ng COVID-19 ay dahil pa rin sa kapabayaan ng publiko sa pagsunod sa health at safety protocols.