Aabot sa 27 million estudyante para sa elementary at high school ang inaasahan ng Department of Education (DepEd) sa nalalapit na pasukan.

Pero ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali maari pang tumaas ang bilang na ito kagaya ng mga pangyayari sa mga nakalipas na school year.

Dahil sa malaking bilang na ito, hinimok ni Umali ang publiko na makibahagi sa pagsisimula ng Brigada Eskwela na nakatakda sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga aktibidad na isinasagawa tuwing Brigada Eskuwela ay ang paglilinis ng mga silid aralan sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.