-- Advertisements --

Dinipensahan ni Senator Richard Gordon ang pamahalaan na hindi dapat sisihin sa 27 million doses ng mga bakuan na malapit na ang expiiration na binili para maprotektahan ang mga Pilipino laban sa covid19.

Ito ay matapos na ihayag ni residential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III na aabot sa 27 million vaccines na binili ng gobyerno ang ang nakatakdang mag-expire sa buwan ng Hulyo.

Paliwanag ni Gordon na sa gitna ng sakuna kailangang maging handa kung kayat bumili ng maraming bakuna ang pamahalaan dahil sa takot na maubusan ng suplay ng bakuna na nagmumula pa sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Gordon na haharap lamang ng kritisimo ang pamahalaan kung magkamali kaugnay sa pagbili ng milyong bakuna.

Nauna ng sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan ng pamahalaan na ibigay na dinasyon ang ilang covid19 vaccines sa karatig na mga bansa gaya ng Myanmar, ca,bodia at ilan pang African countries dahil sa kasalukuyang nananatiling stable ang suplay ng bakuna sa bansa.

Ayon sa NTF against covid19, nasa kabuuang 239,778,000 vaccine doses ang dumating sa bansa as of March 24.

Base sa datos ng DOH national covid18 vaccination dashboard, umaabot na sa 142 million doses ang naiturok sa bansa hanggang katapusan ng Marso.

Kayat nasa 65.8 million Pilipino ang fully vaccinated habang nasa 12 million ang nakatanggap na ng booster shots.

Tinatarget ngayon ng pamahalaan na makumpletong mabakunahan ang 90 million Pilipino hanggang sa bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte sa Hunyo 30.