Nasa 2,604 flights sa Amerika ang panibagong kinansela dahil sa sama ng panahon at ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases bunsod ng Omicron variant.
Ang bilang ng mga cancelled flights ay mahigit sa kalahati na 4,529 cancelled flights worldwide, ayon sa tracking website FlightAware.
Dahil dito, maraming mga biyahero ang naapektuhan.
Dagdag pa dito, nasa 3,447 domestic flights ang na delayed kahapon, Sabado mula sa kabuuang 7,602 worldwide data flight para sa isang araw.
Ayon sa nasabing site, ang pinakanaapektuhang US airline ay ang Southwest dahil kinakailangan nitong kanselahin ang 13 percent ng kanilang flight schedule.
Pinaka-naapektuhan naman sa US ang airport sa Chicago dahil lubha itong nadiskarel ang operasyon dulot ng masamang panahon at may inaasahang snowstorm sa nasabing lugar.
Apektado din ang global air travel industry dahil sa highly contagious Omicron variant.
Karamihan sa mga piloto, flight attendants at mga staff ay absent matapos magkaroon ng COVaiD-19 infecton.
Sa kabilang dako, nasa 7,500 flights ang kinansela din ng ibat-ibang airlines worldwide nitong Christmas weekend.