-- Advertisements --

Naka-alerto na ang Ecuador matapos mamataan sa Galapagos Island ang halos 260 fishing vessels mula China.

Sinisigurado naman ng mga patrol na hindi makakapasok ang mga barkong ito sa ecosystem ng bansa. Taon-taong nagtutungo ang mga sasakyang pandagat ng China sa nasabing rehiyon upang maghanap ng mga lamang dagat.

Noong 2017 nang mahuli ang isang Chinese vessel na mayroong sakay na 300 toneladang wildlife kung saan karamihan dito ay pating.

“We are on alert, [conducting] surveillance, patrolling to avoid an incident such as what happened in 2017,” wika ni Ecuadorian Defence Minister Oswaldo Jarrin.

Nananatili namang walang komento tungkol dito ang Chinese authorities.

Una rito ay sinigurado ni Roque Sevilla, dating alkalde ng Quito, na kasalukuyan nilang pinaplantsa ang protection strategy para sa isla. “Unchecked Chinese fishing just on the edge of the protected zone is ruining Ecuador’s efforts to protect marine life in the Galápagos,” saad nito.

Kokunsulta naman ang Ecuador sa iba pang bansa sa Latin Amerca na may coastline sa Pacific – tulad ng Colombia, Peru, Chile, Panama, at Costa Rica – upang bumuo ng joint regional position na tatalakay sa naturang banta ng China.

“Because of that [natural] wealth in that area, we suffer immense pressure from international fishing fleets,” ani President Lenin Moreno sa isang pahayagan.

Kilala ang Galapagos Marine Reserve dahil sa iba’t ibang shark species, maging ang mga endangered whales at hammerheads.