-- Advertisements --
Pumalo na sa 26 ang aftershocks ang nairehistro ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), matapos ang 6.2 magnitude kagabi.
Matatandaang tumama ito sa karagatang bahagi ng Gigmoto, Catanduanes.
Anim mula sa 26 na aftershocks ang plotted o nai-record sa pamamagitan ng dalawa o higit pang pasilidad ng Phivolcs.
May lakas ang mga ito na nasa pagitan ng magnitude 2.4 hanggang magnitude 4.9.
Inaasahang magtatagal pa ang aftershocks sa mga susunod na araw.
Matatandaang naglabas ang ahensya ng tsunami alert kagabi, ngunit kalaunan ay binawi rin dahil sa kawalan ng banta sa malalaking alon.