Ipinagmalaki ngayon ni PNP chief Dir. Gen Ronald Dela Rosa na nasa 2,500 death under investigation cases na iniuugnay sa extra judicial killings (EJK) o summary killings ay naresolba na ng PNP.

Ayon sa PNP chief batay sa kanilang pag-iimbestiga kanilang natukoy na hindi lahat ng kaso ng death under investigation (DUI) ay may kaugnayan sa kaso ng iligal na droga.

May mga natunton  na silang mga suspeks kung saan ang iba rito ay kanila ng sinampahan ng kaso.

Aniya, ang mga napapatay sa panahon ng war on drugs ay lahat kinarga sa kanilang kampanya kahit hindi drug related ang pagkakapatay.

Inihayag din nito na ang pagkakaresolba sa 2,500 death under investigation cases ay isang magandang indikasyon na talagang nais talaga ng PNP na resolbahin ang mga kaso ng patayan.