-- Advertisements --
Dinala sa pagamutan ang nasa 25 katao matapos na magtamo ng sugat dahil sa paglalakad sa mga nagbabagang uling sa bansang Switzerland.
Ang nasabing mga biktima ay kabilang sa mga dumalo sa team building ng kanilang kumpanya.
Nagtamo ng matinding sugat sa paa ang 13 sa mga biktima kaya sila ay nananatili sa pagamutan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na pinaglakad ang mga ito sa ilang metrong nagbabagang uling.
Itinuturing kasi na isang motivational courses at charity events ang paglalakad sa mga nagbabagang uling o tinaguriang fire-walking.