-- Advertisements --
image 257

Napatay ang nasa 25 katao sa madugong terrorist attack na kagagawan ng mga militanteng may kaugnayan sa Islamic State sa isang paaralan sa western Uganda malapit sa border ng Democratic Republic of Congo.

Base sa initial report mula sa kapulisan ng Uganda, ang mga miyembro ng Allied Democratic Forces (ADF) na isang Ugandan group na nakabase sa eastern Congo na nangako ng katapatan sa Islamic State ang umatake sa Lhubirira secondary school sa Mpondwe kung saan sinunog at nagnakaw pa ng mga pagkain sa naturang dormitoryo nitong gabi ng Biyernes.

Nasa 25 mga bangkay ang narekober mula sa paaralan. Narekober din ang walo pang biktima na nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

Natukoy ng mga awtoridad na lahat ay mga estudyante ang namatay sa madugong terrorist attack.

Tinutugis na rin ang mga nasa likod ng karumal-dumal na pag-atake.