-- Advertisements --

CEBU CITY – Lumikas ngayon ang 50 pamilya matapos na tinamaan ng malaking sunog ang 25 mga bahay sa boundary ng Brgy. Labogon at Brgy. Paknaan sa lungsod ng Mandaue, Cebu.

Unang sumiklab ang sunog mula sa Sitio Latasan, Brgy. Labogon pasado alas-6:00 ng gabi at agad na nagtutulungan ang mga fire stations sa Metro Cebu matapos itong umakyat sa 3rd alarm.

Kumalat naman ang malaking apoy sa kabilang sitio sa Brgy. Paknaan ngunit naapula naman agad ito ng mga bumbero bago sumapit ang alas-7:00 ng gabi.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Noel Codilla ng Mandaue City Fire Department na nagmula umano ang malaking apoy sa bahay na pinagmamay-ari umano ng isang nagngangalang “Regan Sacay.”

Napag-alamang pahirapan ang paglikas ng mga residente at pagresponde ng mga bumbero dahil sa masikip na daanan.

Nasa P220,000 ang naitalang pinsala mula sa nasabing trahedya at bine-verify ngayon ng mga fire investigators kung sumiklab ba ang apoy dahil umano sa pumutok na circuit breaker.