-- Advertisements --

Pumanaw na ang junior welterweight boxer Luis Quiñones limang araw matapos ang kaniyang knockout na pagkatalo kay Juose Muñoz sa Barranquilla, Colombia.

Kinumpirma ng kapatid ng 25-anyos na boksingero na si Leonardo ang pagkasawi nito.

Pinatulog ni Muñoz si Quiñones sa loob lamang ng ika-walong round.

Matapos ang laban ay agad itong dinala sa pagamutan nanatili ito doon ng limang araw hanggang sa ito ay tuluyang pumanaw.

-- Advertisement --

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang promoter nito na Cuadrilaterto Boxing at sinabing labis silang nalulungkot sa nangyaring batang boksingero.