-- Advertisements --
image 113

Nakapagtala ang Pilipinas ng panibagong 2,409 mga bagong COVID-19 infections.

Dahil dito umakyata ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa sa 27,129.

Ito na ang pangalawang sunod na araw na mahigit sa 2,000 mga tinatamaan ng viurs ang naitatala.

Ayon sa report ng Department of Health ang National Capital Region pa rin ang napagtala ng highest number of new cases sa nakalipas na Dalawang linggo na umaabot sa 13,144, sinusundan ng Calabarzon na may 5,434, Central Luzon na may 2,870, Davao Region na may 1,359, habang ang Western Visayas ay may 804.

Meron namang naidagdag na 42 mga panibagong nasawi kaya naman ang death toll sa ansa ay nasa kabuuang 63,191 na.

Sa ngayon ang bed occupancy rate sa mga opsital sa pilipinas ay nasa 25.6% lamang.