-- Advertisements --
MARINE ECOSYSTEM

Mahigit 24,000 ektarya ng coral reef, mangroves, at seagrass ang posibleng maapektuhan matapos lumubog ang isang motor tanker sa Oriental Mindoro ayon sa datos ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang MT Princess Empress ay may kargamentong 800,000 liters ng industrial fuel oil at lumubog sa karagatan ng naturang lugar dahil sa engine failure.

Batay sa inisyal na natuklasan, sinabi ng ahensya ang unang tinatayang 591 hectares ng coral reef, 1,626 hectares ng bakawan at 362 hectares naman ng seagrass o seaweeds ang posibleng maapektuhan ng tumagas na langis.

Dagdag dito, mayroon umanong 21 locally managed marine protected areas na matatagpuan sa lugar ng Oriental Mindoro.

Ipinunto pa ng Department of Environment and Natural Resources na ang mga coastal area ng bayan sa Pola, na nagdeklara na ng state of calamity dahil sa paglubog ng oil tanker ay ang pinaka-apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.