-- Advertisements --
LA UNION – Hindi na umano nakayanan ng mahigit sa 20 mga rebelde ang inabot na gutom sa gitna ng kagubatan kung kaya’t sumuko sa gobyerno sa gitna ng krisis na dulot ng COVID 19.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lt. Col. Reandrew P. Rubio, acting commanding officer ng 91st Infantry Battalion, Philippine Army, sinabi nito na boluntaryong sumuko ang 10 Militia Bayan at 16 na supporters ng NPA sa mga sundalo na nakabase sa Umiray, Dinggalan, Isabela noong Abril 15.
Kasabay nito ay isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas: dalawang cal. 38, 1 homemade shotgun at isang homemade converted cal. 22
Ayon kay Rubio, nabigyan na ng relief goods ang mga sumukong rebelde bilang paunang tulong sa kanila ng pamahalaan