-- Advertisements --
Patay ang 24 katao dahil sa malawakang pagbaha sa Kampala, Uganda.
Ang baha sa bahagi ng Bugisu, Mbale at Kapchorwa ay una ng nagtala ng 10 kataong nasawi.
Ayon kay Uganda Red Cross spokesperson Irene Nakasita , na nakita sa pamamagitan search and retrieval operations ang 21 bangkay sa Mbale at tatlo naman sa Kapchonwa.
Inihanda na rin ng mga otoridad ang relief operations para sa mga naapektuhang residente.