-- Advertisements --

Patay ang 24 katao matapos ang naganap na pagsabog sa Balochistan province sa Pakistan.

Nangyari ang insidente sa biperas ng halalan sa nasabing bansa.

Bukod sa mga nasawi ay maraming mga katao rin ang sugatan na itinakbo na ng mga ito sa pagamutan.

Wala pang grupong umako sa nasabing insidente.

Dahil sa pangyayari ay dinoble ng mga otoridad ang kanilang pagbibigay ng seguridad sa lugar kung saan gaganapin ang botohan.