-- Advertisements --

Iniulat ngayon ng Department of Health (DO) na nakapagtala sila ng 8,615 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Bunsod nito ang total COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,683,372.

Samantala mayroon namang naitalang 25,146 na gumaling at 236 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (82,228) ang aktibong kaso, 95.4% (2,561,248) na ang gumaling, at 1.49% (39,896) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 10, 2021 habang mayroong tatong mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.