-- Advertisements --

230 pamilya na mga bakwit sa Datu Piang Maguindanao nakauwi na

CENTRAL MINDANAO-Nakauwi na sa kanilang tahanan ang mga bakwit na apektado ng gulo sa dalawang magkalabang grupo sa Datu Piang Maguindanao.

Ayon Datu Piang Mayor Datu Victor Samama na umaabot sa 230 pamilya ang kanilang inihatid sa Barangay Masigay.

Halos tatlong buwanng nagtiis sa mga evacuation centers ang mga rbakwit matapos na maglaban ang grupo ng pamilya Andal at Abdullah.

Nag-ugat ang sigalot matapos na barilin at mapatay si Kumander Barracuda ng ng 105th Based Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kapatid mismo ng Chairman ng Brgy. Kalipapa na si Brgy Kapitan Mohammad Abdullah.

Naniniwala si Abdullah na may kinalaman sa pagpaslang si Abe Andal ang tatay ng kapitan ng Brgy. Masigay.

Bago ang desisyon na pagpapauwi sa mga bakwit ay nagharap ang dalawang grupo sa inisyatibo ng LGU, militar, PNP, Peace MERUIT, elders at local leaders upang magkasundo na hindi na maulit ang bakbakan na nakaapekto sa mga residente na walang kinalaman sa away pamilya ng Andal at Abdullah.