-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit dalawang libong benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Isabela ang nakatanggap ng kanilang payout bago ang pasko.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa DOLE Region 2, umabot sa 2,236 ang benepisaryo ng TUPAD na mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Isabela ang nakatanggap ng kanilang payout sa dalawang araw na pamamahagi.

Sa bayan ng Burgos ay umabot sa 123 ang naging benepisaryo habang sa Roxas ay 200 at 125 naman sa Quezon.

Sa Quirino ay 124, 125 sa Luna at pinakamarami sa bayan ng Echague na umabot sa 1,126 ang benepisaryo.

Sa bayan naman ng San Manuel ay may 151 na benepisaryo habang sa bayan ng Aurora ay nasa 150.

Sa Jones at Cordon ay may tig-56 na benepisaryo.

Nagtrabo ng sampong araw ang mga naturang benepisaryo at kabilang sa kanilang ginawa ang clean up drive at pagpapaganda sa mga pampublikong pasilidad sa mga barangay.

Ikinatuwa naman nila ang pagkakatanggap sa kanilang payout na malaking tulong ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon.