Kinumpirma ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakdang dumating sa bansa ang nasa 22 units ng 130mm K-136 “Kooryong” Multi-Launch Rocket Systems (MLRS) na donasyon ng South Korean government sa Pilipinas.
Ang “Kooryong” ay mayroong range na 48 to 80 kilometers na magagamit sa internal and external defense operations ng AFP.
Ayon sa AFP, ang nasabingf “Kooryong” MLRS ay gagamitin ng Philippine Army at Philippine Marine Corps.
Batay sa naging kasunduan, ang Pilipinas ang siyang gagastos para sa logistics o paglipat ng mga ito mula sa South Korea, kasama ang repair, training at iba pa.
Nasa P21 million ang inilaan na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa logistics.
Napag-alaman na nakumpleto na ng Philippine Army ang construction ng ammunition storage facility para sa 130mm rockets na isa sa mga requirements ng Korean government bago pa man ito ibiyahe papuntang Pilipinas.
Mapupunta naman sa Philippine Army ang tatlong batteries ng MLRS, habang isa naman mapupunta sa Philippine Marine Corps.