-- Advertisements --

Sugatan ang 22 katao matapos na madiskaril sa riles ang isang high-speed TGV train sa Paris.

Naganap ang insidente malapit sa Ingenheim sa Bas-Rhin area.

Isinakay pa ang ibang mga biktimang may kritikal na kalagayan sa helicopter para sa mabilisang malapatan ng gamot.

Aabot sa 348 na pasahero ang lulan ng train.

Inaalam na ng mga otoridad ang nangyaring insidente.