Aabot sa 22 katao ang patay, habang tinatayang nasa 50 hanggang 60 naman ang sugatan sa naganap na mass shooting sa Lewiston, Maine sa Portland.
Ito ang iniulat ng Maine State Police at ng isang county sheriff ngunit hindi na nagbigay pa ng iba pang dagdag na detalye.
Batay sa inisyal na ulat ay nakapagtala ng tatlong shooting incident ang kapulisan sa tatlong magkakahiwalay na lugar kabilang na ang Sparetime Recreation, Schemengees Bar & Grille Restaurant, at sa Walmart distribution center.
Kaugnay nito ay nanawagan ang Maine State Police sa publiko na manatili muna sa kanilang mga tahanan, isa at i-lock ang kanilang mga pinto habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol dito.
Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa naaaresto ng mga otoridad ang suspek sa nasabing mas shooting at nananatili pa rin itong pagala-gala sa naturang lugar.
Pahinggil pa rito ay naglabas din ng dalawang larawan ng suspek ang Androscoggin County Sheriff’s Office na nagpapakita ng isang balbas saradong lalaki, at nakasuot ng long-sleeved shirt at jeans habang may hawak na rifle.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sinabi ng Central Maine Medical Center sa Lewiston na patuloy din ang pakikipag-ugnayan nito sa mga pagamutan para sa mga biktima nang naturang pamamaril.