-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang isang 22 anyos na lalaki matapos itong maaresto sa isinagawang buybust operation kagabi, Enero 15, ng City Drug Enforcement sa araw mismo ng Sinulog nitong lungsod ng Cebu.

Kinilala ang naarestong regional level high value individual na si Omar Ali-haroun.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang sari-saring iligal na droga tulad ng cocaine, shabu at party drugs.

Inihayag ni Cebu City Police Office Director PCol Ireneo Dalogdog na taong 2020 ay nasangkot ang suspek sa pagbebenta ng party drugs. Taong 2022, nahuli pa ang mga kasamahan nito kaya ito naglie-low muna at bumalik sa Bohol.

Sinabi pa ni Dalogdog na inaasahan na nila ang paglaganap ng party drugs lalo na sa panahon ng Sinulog na buhos ang mga tao dahil sa mga aktibidad.

Dagdag pa nito na kadalasan pang binebenta ng suspek ang mga party drugs sa mga high-end bars nitong lungsod.

Patuloy namang aalamin ngayon ng mga otoridad kung saan ito kumukuha ng nasabing mga ilegal na droga.