INSTAGRAM: @roxieebae

Excited na raw sa kanyang susunod na paglalakbay ang Filipino-Belgian beauty queen na si Roxanne Baeyens matapos itong koronahan bilang Face of Tourism Philippines 2019 na ginanap sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City.

Ang 22-anyos na beauty queen ay tubong Baguio City at nagtapos sa St. Louis University. Tinalo nito ang 14 na kandidata sa nasabing pageant. Si Baeyens ang magiging representante ng Pilipinas sa Miss Tourism Culture Universe 2019 na gaganapin naman sa Myanmar ngayong taon.

-- Advertisement --

Layunin ng pageant na ito na palawigin pa ang kaalaman ng nakararami tungkol sa ganda ng turismo sa Pilipinas.