-- Advertisements --
zelensky

Inanunsiyo ng Ukraine na kanilang ipapalit ang nakulong na mga Ruso sa Russia para mapalaya ang malaking bilang ng mga sundalo na nakulong kabilang ang mga fighters na nanguna sa pagdepense sa Azovstal steelworks sa kabisera ng Mariupol.

Sa public address ni Ukraine President Volodomyr Zelensky, sinabi nito na nakatanggap ang Russia ng 55 prisoners kabilang dito ang dating Ukrainian lawmaker at kaalyado ni Russian President Vladimir Putin na inakusahan ng ‘high treason’ na si Viktor Medvedchuk.

Ito na ang pinakamalaking palitan sa pagitan ng magkabilang panig simula ng sumiklab ang Russian invasion sa Ukraine noong pebrero.

Nauna ng pinalaya ang nasa 10 prisoners ng digmaan mula sa bansang Amerika at Britain na nilipat sa Saudi Arabia bilang bahagi ng exchange agreement sa pagitan ng Moscow at Kyiv.

Ayon pa kay Zelensky, nasa limang military commanders kabilang ang mga lider na nagdepensa sa Azovstal ay dinala sa Turkey bilang bahagi ng operasyon na una ng inihanda at napagkasunduan nial ni urkish President Recep Tayyip Erdogan.