-- Advertisements --
image 232

Aabot sa 21 katao ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang ospital sa Beijing, China.

Ayon sa Emergency response teams, sumiklab ang naturang sunog sa east building ng inpatient department ng Beijing Changfeng Hospital sa Capital city ng Fengtai District.

Sa isang video ay makikita ang ilang tao na umaakyat palabas ng mga bintana gamit ang lubid na ginawa mula sa pinagtagpi-tagping bedsheet ng nasabing ospital, habang ang iba naman ay makikitang nakasampa sa mga airconditioning unit sa labas ng bintana habang naghihintay ng pagresponde mula sa mga otoridad.

Sa ulay sinasabing nailikas ng mga staff ang nasa 71 mga pasyenteng nasa loob ng naturang pagamutan nang mangyari ang insidente ngunit hindi malinaw kung lahat ba ng mga pasyente doon.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniibestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng naturang sunog. // mars