Nadetect sa airspace ng Taiwan ang 21 Chinese military aircraft dakong 8:15 am ngayong araw ng Sabado.
Ito ay isang buwan bago ang nakatakdang inagurasyon ng incoming President na si Lai Ching-te sa Mayo 20.
Ayon sa Taipei defense ministry, nasa 17 chinese aircraft ang tumawid sa median line at sa extension nio at pumasok sa hilaga, gitna at timog-kanluran ng air defense identification zone nito at sumama sa People’s Liberation Army (PLA) vessels para sa joint combat patrol.
Kabilang sa 21 aerial objects na nadetect ay ang J-16 fighter jets, Y-8 medium-range transport aircraft, at drones.
Nakamonitor naman ang Taiwan armed forces sa mga aktibidad kasama ang joint surveillance systems at nagpakalat ng kanilang assets para tumugon nang naayon.
Ang dinaanang median line ng Chinese aircraft ay naghihiwalay sa Taiwan Strait na isang narrow 180 kilometre waterway na naghihiwalay sa isla mula sa mainland China, subalit hindi ito kinikilala ng Beijing dahil itinuturing nitong bahagi ng kanilang teritoryo ang Taiwan.
Una rito, nagpapadala ang China ng warplanes at naval assets sa may Taiwan halos araw-araw, isang hakbang na sinabi ng mga eksperto na isang uri ng grey zone harassment.
Ang pinakamataas na bilang ng namataang Chinese aircraft sa Taiwan ngayong taon ay noong Marso kung saan nakapagdetect ng 36 na Chinese aircraft sa loob lamang ng isang araw.