-- Advertisements --

Nasa 21 mga Chinese combat planes ang lumipad sa air defense identification zone (ADIZ) ng Taiwan.

Ayon sa defense ministry ng Taiwan na kinabibilangan ito ng 17 Chengdu J-10 multirole fighters at apat na advanced Shenyang J-16 strike fighters ang lumipad sa southwestern corner ng kanilang isla.

Ang advanced fighters na J-16s ay lumipad na mas malapit sa Pratas Island na kontrolado ng Taiwan.

Mayroon rin silang nakitang walong aircraft at apat na Chinese naval vessels sa karagatan ng Taiwan pero hindi na nakalapit sa kanilang air defense identification zone (ADIZ).

Naganap umano ang pagpapalipad ng Chinese fighter jets ilang araw mat apos na ma-aprubahan ng US ang $619 milyon na weapons sales sa Taiwan.

Ito na ang pangalawang araw na magkasunod na namataan ang mga fighter jets ng China dahil noong Miyerkules ay mayroong 19 na mga air force combat planes ang nakapasok sa parehas na lugar.

Patuloy din aniya ang ginagawa nilang pagbabantay sa nasabing lugar kung saan agad nilang itinaboy ang nasabing mga Chinese fighter jets.