Isang maritime security expert ng US ang nagsabi na 21 Chinese maritime militia ships ang nakitang patungo sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay dating US Air Force official at ex-Defense Attaché Ray Powell, ang Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cabra ay natagpuan sa kalagitnaan ng redeployment ng mga Chinese vessel na naglalakbay pahilaga sa Pag-asa Island.
Ang 21 Chinese vessels ay pinaniniwalaang kabilang sa mga umaaligid sa Ayungin Shoal noong Agosto 5 incident nang magsagawa ng delikadong maniobra ang Chinese Coast Guard (CCG) at iligal na gumamit ng water cannon laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa resupply mission sa BRP Sierra Madre. .
Hindi bababa sa 19 Chinese militia ships ang nanatili din sa Ayungin Shoal, ayon kay Powell.
Ani Powell, “Any CCG ships still in the area have remained [automatic identification system]-dark, as have any PLA Navy ships (always dark),”
Sinabi ni Powell na tatlong barko ng CCG na nakibahagi sa blockade ang bumalik sa Hainan Island, habang ang tatlo pa aniya ay nanatiling “AIS-dark and are unaccounted for.”
Sinabi ng China na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, na tinatawag ng Beijing na Ren’ai Jiao.
Gayunpaman, noong Miyerkules, itinanggi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang gobyerno ng Pilipinas ay nagbigay ng ganoong pangako sa China.