Iniulat ng isang telecommunications company na aabot sa 21.9 million na mga bank-related text scams ang naharang nito noong taong 2023.
Ito ay sa gitna ng mga panawagan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na labanan ang mga naglipanang cybercrime sa bansa na kinabibilangan ng online scams at text spams.
Ayona sa mga eksperto, lumalabas na malaki ang ginampanang papel ng pagpapatupad ng SIM Registration Law sa bansa noong nakaraang taon.
Mula kasi aniya nang maging epektibo ito ay nakapagtala ng malaking pagbaba sa bilang ng mga blocked spam at scams sa mga short messaging service mula sa dating 83.39 million naitala noong 2022, ay nasa 21.9 million na lamang noong 2023.
Samantala, bukod dito ay nag-invest din ang mga telecommunications company ng milyon-milyong dolyar para sa layuning mas maigting pa ang SMS detection at blocking system ng mga text scams at spams na round-the-clock nag-ooperate ng kanilang Security Operations Center para sa i-filter ang mga unwanted messages na kinabibilangan ng app-to-person at person-to-person SMS mapa-international man o domestic ang sources nito.
Kung maaalala, sa ngayon ay puspusan din ang ginagawang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng iba’t-ibang concerned agencies ng pamahalaan para sa pagbabantay at pasugpo ng lumalaganap na cybercrimes sa bansa.